Home Entertainment Angelina “Angie” Mead King kumasa sa trending na HowMuchHaveYouChanged Challenge

Angelina “Angie” Mead King kumasa sa trending na HowMuchHaveYouChanged Challenge

Nagbalik tanaw si Angelina “Angie” Mead King sa kanyang nakaraan ng nakilahok siya sa #HowMuchHaveYouChanged Challenge

Trending nga sa social media ang nasabing challenge partikular sa Facebook. Kung saan ibinabahagi ang ang kauna-unahang profile picture at ikukumpara sa latest.

At nitong Lunes, September 13, isa ang negosyante at car enthusiast na si Angelina “Angie” Mead ang kumasa sa hamon.

Nagbahagi siya ng kanyang litrato na kuha noong 2007. Ng mga panahon na iyon ay kilala pa siya bilang si Ian King.

v

Samantala ang most recent photo naman na kanyang ibinahagi ay kuha sa Caliraya Kiteboarding Club sa Cavinti, Laguna.

Kung saan nakasuot siya ng two piece bikini na galing kay Issa Pressman.

Saad nito sa kanyang caption, “Time to join this challenge, wonder if I can win? [Emoji] 2007 vs 2021 #howmuchhaveyouchangedchallenge”

Marami naman sa kanyang Facebook friends ang pumuri kay Angie at sinabing siya na daw agad ang nanalo sa challenge na ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbalik tanaw si Angie sa kanyang nakaraan bilang Ian. Para sa selebrasyon ng Pride month last June 2020. Naging inspirasyon si Angie ng L6BT community.

Ito ay matapos din siyang kumasa sa Face App challenge. Kung saan makikita ang itsura ng isang tao pag nag-iba ito ng kasarian.

Kung ang iba ay ginamit ang Face App si Angie ay nag-post lamang ng before and after photos niya.

Sa ngayon ay nag-eenjoy sa bakasyon nila sa Batangas si Angie kasama ang kanyang misis na si Joey Mead King.

Ipinagdiwang nila ang 45th birthday ni Joey noong September 12 sa The Farm at San Benito.

Taong 2016 ng mag-out as a tr4nswoman si Angie at sinuportahan ito ni Joey.