Home Entertainment Matapos Ipa-Tulfo, Whamos Cruz, Nagsalita na! May Basbas Daw ang Panliligaw Niya

Matapos Ipa-Tulfo, Whamos Cruz, Nagsalita na! May Basbas Daw ang Panliligaw Niya

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang kontrobersya na kinakaharap ng social media influencer na si Whamos Cruz. Matatandaang kamakailan lang ay naitampok ito sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang i-reklamo ng nanay ng kanyang girlfriend ngayon na si Antonette Gail del Rosario.

Ayon sa nanay ni Antonette, menor de edad pa ang kanyang anak kung kaya naman dapat ay hindi sila nagsasama ni Whamos.

Giit pa nito, noong una pa man ay ayaw na niya si Whamos para sa kanyang anak. Kaya naman nais niyang maghiwalay ang dalawa at bumalik sa poder niya ang kanyang menor de edad na anak.

Ngunit hindi naman basta bastang sumuko si Whamos sa pagmamahalan nila. Sa social media ay may buwelta ito sa mga paratan ng ina ni Antonette.

Ayon kay Whamos, tunay ang pagmamahalan nila ng kanyang girlfriend. Giit pa niya, mayroon din daw basbas ang ina nitong si Dolly sa panliligaw niya kay Antonette.

Matapos pumutok ang issue kay Raffy Tulfo ay nagbigay naman ng pahayag si Whamos sa Facebook. Ayon dito, bago niya ligawan si Antonette ay humingi muna siya ng permiso mua sa ina nito.

Pumayag naman daw si Mommy Dolly noong umpisa dahil giit nito ay si Antonette lamang ang makakapagdesisyon nito.

“3 months na lang po mag-18 na po siya, at syempre bago pa naman po ako manligaw, sinabi ko po muna sa mama niya. Kung pwede po ba akong manligaw kay Antonette. Sinabi naman po sa akin na pwede naman dahil hindi naman sila ang magdedesisyon kundi si Antonette,” pahayag ni Whamos.

Sa kanyang statement ay nilinaw rin ni Whamos na malinis ang intensyon niya kay Antonette. Naghintay rin daw siya ng ilang buwan para sa desisyon nito, at nirerespeto niya rin ang kanyang girlfriend. Sa kabilang banda, patuloy naman ang mga fans sa pagsuporta sa tandem ng dalawa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.