Home Entertainment Mas mahabang CCTV footage noong mga huling sandali ni Christine Dacera, inilabas...

Mas mahabang CCTV footage noong mga huling sandali ni Christine Dacera, inilabas na

Ipinakita na sa publiko ang mas mahabang bersiyon ng CCTV footage na kuha sa mga huling sandali ng flight attendant na si Christine Dacera.

Makikita sa CCTV footage na ilang beses lumipat si Dacera at kanyang mga kaibigan ng kwarto sa hotel.

Matatandaan na nasa katabing kwarto nila Dacera ang ilang lalaki na nakasama nila sa New Year’s party.

Bandang 6:23 AM ng Enero 1 huling nakita si Dacera na nasa maayos pang kalagayan kasama ang kanyang kaibigan habang papasok sila sa kanilang kwarto.

Bandang 12:23 PM naman noong dumating ang mga hotel staff upang dalhin ang flight attendant sa clinic matapos itong makita sa bath tub.

Hiniling naman ng pamilya Dacera na mapanood nila ang buong bersyon ng CCTV footage upang maaral din nila kung ano nga ba ang nangyari sa biktima.

Noong Miyerkules lamang ay pinalaya na ang tatlong suspek sa bago simulan ang imbestigasyon para malaman kung ano nga ba ang nangyari kay Dacera ng araw na ‘yon.