Home Entertainment Ria Atayde shares angry quote hours before SONA: “GISING NA GINAGAGO NA...

Ria Atayde shares angry quote hours before SONA: “GISING NA GINAGAGO NA TAYO”

“Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan.”

Parte ito ng panawagan ni Ria Atayde, 28, sa mismong araw ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes, July 27, 2020.

Si Ria ay isa lamang sa mga artistang vocal sa pagpuna sa kasalukuyang administrasyon kaugnay ng lumalalang mga suliranin ng bansa.

Ilan sa mga madalas i-post ng Kapamilya actress ay tungkol sa ginawang pagpapasara sa ABS-CBN at sa lumalalang COVID-19 situation sa bansa.

Ngayong Lunes ng umaga, ilang oras bago ganapin ang SONA, nag-post muli si Ria sa kanyang Instagram account.

Ipinost niya ang isang photo na may ganitong quote: “GISING NA GINAGAGO NA TAYO”

Bagamat sa dulo ng kanyang caption, nilinaw ni Ria na hindi sa kanya ang ipinost niyang quote card, matapang pa ring pinuntirya ng aktres ang current administration.

Nananawagan siya sa lahat na huwag “magbulag-bulagan” sa diumano’y katiwalian ng mga government officials.

Bungad niya: “Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa.

“Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.”Ang tinutukoy ni Ria ay ang anti-drug campaign ng Pangulo, na nagresulta sa libo-libong extrajudicial killings—o mga pagpatay ng police authorities nang hindi idinadaan sa korte—at ang lumalalang COVID-19 cases sa bansa.

Sa report na inilabas ng Philippine National Police noong June 2019, nakapagtalang 6,600 drug suspects ang nasawi sa “war on drugs” campaign mula July 2016 hanggang May 2019.

Pero ayon sa Philippine Commission on Human Rights at iba pang human-rights advocates, higit sa 20,000 katao ano ang nasawi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon mula June 2016 – June 2019.

Pagdating naman sa COVID-19 cases sa bansa, inaasahang aabot ng 85,000 ang mga kaso sa pagtatapos ng Hulyo, at nagbabala ang University of the Philippines OCTA Research na maaaring umabot sa 140,000 ang kaso sa pagtatapos ng Agosto.

CONTINUE READING BELOW ↓

RIA: “MANATILING MAPAGMATYAG AT WAG MAGBULAG-BULAGAN.”
Sa kabila raw ng mga problema ay hindi siya nawawalan ng pag-asa, pero paalala ni Ria, kailangang may gawin.

“Ang dami nating hinayaan at pinalipas… pero umaasa akong matatapos na ang panahon ng ating pananahimik at hindi pag-imik.

“Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan.

“Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino.

“Karapatan at tungkulin natin ang panagutin ang mga pinunong ating hinalal.”

Paalala ni Ria: “Hindi natin pwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating mga kapwa Pilipino ay nagdurusa.”

Giit pa niya, “Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan.”

Sabi pa ng aktres, sa kabuuan ay malaki ang epekto ng mga pangyayaring ito sa bansa kahit hindi man nito direktang naapektuhan ang buhay ng bawat isa.

“Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa. Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila,” paliwanag ng anak ni Sylvia Sanchez.

CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ang Pilipinas ay lulubog, kasama tayong lahat na malulunod. (Pero baka hindi silang mga VIP—uubusin na nga lahat ng lifevests, magpapa-special rescue pa. Na buwis natin ang ipambabayad.)”

Ginamit ni Ria ng hashtag na #ItoAngSONAKo at #SONAngaling na siya ring ginamit ng iba pang artista ngayong araw ng SONA.

Samantala, ang post na ito ni Ria ay ipinost din ng kanyang nakatatandang kapatid na si Arjo Atayde.

Bukod kay Ria, ang iba pang artistang nag-post ng panawagan tungkol sa July 27, 2020 SONA ng Pangulo ay sina Anne Curtis, Bianca Gonzalez, at Irma Adlawan.Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

soure ; https://www.pep.ph/news/local/152916/ria-atayde-shares-quote-gising-na-ginagago-na-tayo-a717-20200727?