Home Entertainment Ruru Madrid defends girlfriend Bianca Umali from bashers

Ruru Madrid defends girlfriend Bianca Umali from bashers

Ipinagtanggol ng GMA-7 actor na si Ruru Madrid, 22, ang girlfriend na si Bianca Umali, 20, mula sa bashers at body-shamers.

Nag-iwan ng negative comments ang ilang netizens sa selfie photo ni Bianca na in-upload ng aktres sa Instagram kahapon July 25, 2020.

Sinagot ni Ruru ang ilan sa mga ito.

Sa unang komento ni Ruru, ipinahayag nito ang pagkadismaya sa pagiging judgmental ng mga tao lalo na ng mga kapwa Pilipino.

Aniya, “I dont know what’s wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao.

“Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin.

“Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan nalang natin ang isa’t isa.”

Hindi rin napigilan ni Ruru na sagutin ang isang basher na gumamit ng malaswang salita.

v
Matalim na sagot ng aktor sa basher ni Bianca: “anong problema mo? BASTOS!”

Hindi rin pinalampas ni Ruru ang basher na nagsabing, “panget mo mag alaga pre ginawa mong kalansay di naman ganyan dati yan.”

Tugon ni Ruru, walang sinuman ang may karapatang magsabi kung ano ang maaaring gawin ng isang tao sa kanyang katawan.

Aniya, “sigurado ka dyan? Brad katawan nya yan, kung gusto nya magpapayat o magpalaki na sa kanya na yun labas na ako dun kasi labas na ako dun at dapat ganun ka din.

“Kesa yung kumikilatis ka ng katawan ng ibang tao kilatisin mong maiigi yung sarili mo brad. Dami na naghihirap sa mundo ganyan ka pa din. Baguhin mo na ugali mo!”

Ilang netizens naman ang pumanig kay Ruru.

Ang isa ay nag-suggest pang kasuhan ng cyber libel ang mga netizen na nagkomento nang hindi maganda tungkol kay Bianca.

Pag-sang-ayon naman ni Ruru, “actually pwede… mali yun eh.”

Sa ngayon, hindi pa pormal na inaamin nina Ruru at Bianca ang kanilang relasyon.

Noong August 9, 2019 ay napansin na ng fans nina Ruru at Bianca ang pagiging malapit nila sa isa’t isa nang magbakasyon ang mga ito sa Japan.

Makalipas ang ilang araw, ipinahiwatig ni Ruru na may nagmamay-ari na ng kanyang puso.

Noong March 2, 2020 ay naging “Instagram official” ang dalawa matapos mag-post si Ruru ng litrato nila ni Bianca bilang pagbati ng aktor sa 20th birthday ng aktres.

Marami ring natuwa nang si Bianca naman ang nag-upload ng throwback photo nila nui Ruru noong July 19. Kuha ang litrato mula sa isa sa kanilang beach trips.

soure ; https://www.pep.ph/news/local/152895/ruru-madrid-bianca-umali-bashers-a721-20200726?