Home Entertainment WATCH! Megastar Sharon Cuneta gustong tumakbo si Leni para Presidente ” I...

WATCH! Megastar Sharon Cuneta gustong tumakbo si Leni para Presidente ” I don’t know what’s happened to our country, I hope Leni runs for president next time”

“Ano bang nangyari sa basic decency natin? Ano bang nangyari sa tamang pag-iisip at pagpili sa tama sa mali. Bakit ang dali-dali ng manakit ng kapwa que bayaran o que hindi. Mayroon talagang bayarang trolls. Of course I know for a fact because my husband is in politics,”.

Ganito ang naging boladas ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram Live video.

Ibinahagi din niya na ang gusto niyang manalo sa susunod na eleksyon bilang Presidente ng Pilipinas ay si Vice President Leni Robredo.

“I don’t know what’s happened to our country. I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay next time.. Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana manalo si VP Leni kung tumakbo siya.. Baka sakaling bumalik ang pagka disente ng karamihan sa atin,” sabi ni Cuneta.


Ibinunyag din ni Cuneta na ang gustong niyang manalo noong 2016 Presidential Elections ay si Senadora Grace Poe.

“Ang gusto ko talagang maging Presidente ay si Senator Grace Poe dahil isa sa mga ubod ng disente,” boladas pa ni CUneta.


Naging emosyonal din sa naturang video si Cuneta dahil sa sinasapit ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Magugunita na binatikos ng mga supporters ng Duterte Administration si Frankie kamakailan dahil sa pakikisawsaw nito sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Matatandaang nakasagutan pa ni Frankie ang boradcaster na si Ben Tulfo sa usapin tungkol sa rape. HUmantong pa ito sa pagbabanta ng isang netizen kay Frankie na ikinagalit naman ni Sharon.


soure ; balitangpinas.info/2020/06/watch-megastar-sharon-cuneta-gustong.html?