Home Entertainment Trillanes pinuna ang Pangulo at Gobyerno “Kapit lang! Makakabangon muli ang Pilipinas...

Trillanes pinuna ang Pangulo at Gobyerno “Kapit lang! Makakabangon muli ang Pilipinas pag wala na sa pwesto si Duterte”

Hindi na makapag hintay si dating senador Antonio Trillanes sa araw kung saan wala na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pinakabagong post ni Trillanes sa Twitter, tiwala umano siyang makakabawi ang Pilipinas mula sa mga pagsubok, kasama na ang COVID-19 pandemic kapag wala na sa opisina ang pangulo.

“Kapit lang. Aahon din muli ang Pilipinas pag wala na si duterte,” ayon sa dating senador na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte

Kamakailan lang ay sinisi ni Trillanes si Duterte sa nararansang problema ngayon sa bansa, mula sa katiwalian at kawalang-kahusayan sa gobyerno hanggang sa nakababahala na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus.


Hinimok niya ang mga tao na huwag hayaang makatakas ang pangulo sa pananagutan sa mga problemang ito.


“Sabi ni duterte wag daw magsisihan. Well, we refuse to let him get away with it. Kaya ikalat ntin ito,” ani Trillanes

“Si duterte ang may kasalanan kung bakit palpak at corrupt ang gobyerno, bagsak ang ekonomiya, mahirap ang buhay,” ayon pa dito


Sinisi din ni Trillanes ang pangulo sa kakulangan ng transportasyon at sa patuloy umanong pagtaas ng utang ng bansa.“Maraming COVID cases, walang masakyan, at lubog na sa utang ang bansa,” ani Trillanes

Sa mga nagdaang buwan mula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19, binabatikos na ni Trillanes ang sinasabing “kawalan ng kakayahan” ng Pangulo sa paghawak sa 2019 coronavirus disease.

Minungkahi din ng dating senador na italaga si Bise Presidente Leni Robredo bilang pinuno ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“Kung si Vice President Leni ang mamumuno at magpapatakbo ng IATF, mas marami itong magagawa at siguradong mas maganda ang kampanya natin laban sa COVID-19,” aniya

nguon ; balitangpinas.info/2020/06/trillanes-pinuna-ang-pangulo-at.html?